WebClick Tracer

SPORTS

Lee, Magnolia habol panabla

Sa Game 3 ng PBA Philippine Cup semis noong Linggo, mukhang kuha na ng Magnolia ang numero ng TNT.

Sa pangunguna ni Paul Lee, na-check ng Hotshots si Tropang Giga scoring machine Mikey Williams sa 4 of 13 shooting bagama’t namigay din ng 10 assists.

Pero ‘di nila nabarahan si Jayson Castro nang ilista ang last 6 points ng Tropa huli ang game-winning 3 na nagbigay ng 93-92 win at 2-1 lead sa best-of-seven series.

“Either shoot or miss ‘yun,” ani Castro, tumapos ng 16 pts. “As a veteran, kailangan ko itira ‘yun.”

Hinawan ng TNT bigs ang depensa para masipat ni Castro ang basket.

“It’s not only Mikey that they’re defending,” bida ni coach Chot Reyes. “They’re defending Jayson, they’re defending Roger (Pogoy), they’re defending our bigs.”

Nakadiskaril pa sa Hotshots ang pagkakasungkit nina Calvin Abueva at Ian Sangalang ng kani-kanilang sixth foul sa fourth kaya nabawasan ng pambulabog sa endgame.

Sina Abueva (18 pts.) at Sangalang (17) pa rin ang nanguna sa team. (Vladi Eduarte)