WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Mariel binoldyak taong bastos

NI: BETH GELENA

Bago sumapit ang 38th birthday ni Mariel Rodriguez (ngayong August 10) ay muling nag-live selling online ang misis ng actor-senador na si Robin Padilla.

Ayon kay Mariel, three celebratory victory sale ang magaganap sa kanyang live selling.

“Una po ay dahil Robin Padilla was won kaya maraming- maraming salamat po. And also we got na po ng 5 million subscribers sa Facebook. At sa August 10 po (Wednesday na po yon) I’ll be celebrating my 38th birthday.”

Habang nagbebenta si Mariel ay nagbabasa siya ng mga komento at kung sino ang magma-mine ng kanyang paninda.

Ang taas ng energy ng dating TV host habang nilalako sa online ang mga luxurious items.

Nang may mabasa.siyang komento na ikinairita niya.

“Napakabastos naman ng taong ito, ‘what happened to your body daw… ‘”

Sumagot si Mariel, “okey nanganak ako two times.. ikaw what happened to your attitude.”

Hindi lang ‘yun, habang nilalako niya ang isang bulky bag na creamy white color at isa isang nilalabas ang mga nasa loob kung saan may unan sa leeg na kasama.

Ang ganda ng pagka-sales talk ni Mariel na ang worth ng luxury bag ay P75,000.

May isang netizen na nag-mine, aniya unan sa leeg na lang daw ang ima-mine niya.

Eh, mukhang hindi pa naalis ang pagka-moody ni Mariel dahil sa isang body shamer kaýa di niya napigilang mapika .

Sey ng misis ni Senador Robin, “talagang kayo ha… talagang gaguhan 101 ang ginagawa natin.”

Anyway, ang sort of items na mapagbebentahan ni Mariel ay mapupunta raw sa Abra victims dahil sa nangyaying napakalakas na lindol.