WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Rivas nagkampeon muli

Tuloy ang pagladlad ni Mateo Rivas ng pamatay na porma, dinomina ang boys’ 16-and-under division kasama si Kimi Brodeth sa girls’ side nang giyahan nila ang mga nagwagi nitong Lunes sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Rep. Cindi Chan National Age-Group Tennis Championships 2022 sa Lapu-Lapu Tennis Club sa Cebu.

Nakapaghulagpos lang si top seeded Rivas ng pitong laro sa limang laban, tampok sa ragasa ang 6-1, 6-0 tabig kay No. 5 Ivan Manila tungo sa pangatlong dikit na tagumpay ng Quezon City ace kabilang ang sa Sta. Rosa, Laguna at Apalit, Pampanga legs nitong Hulyo sa matagal nang tumutuklas ng mga talentong okasyon na hatid ng Dunlop.

Pinatunayan din ni Brodeth ang kanyang top billing sa girls’ side, tinagpas si No. 2 Shara Paliwag ng Valencia, Negros Oriental, 6-0, 6-2, at maski kinapos sa 18-U class, kinipo ng rising Ormoc City star ang MVP honor gaya ni Rivas, na umabot din ng centerpiece division semis sa weeklong Group 2 tournament na may apat na yugto sa Cebu na handog ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

Pinigilan ni Tiffany Nocos ng QC rin, si Brodeth, 6-1, 6-3, at binulilyaso ni Ormoc’s John David Velez si Marc Jarata, 6-3, 6-2, sa pagsalo nila sa mga itulo ng 18-U, samantalang nagsosyo sina Paliwag, dating MVP sa La Carlota, at Kenzo Brodeth sa korona ng 14-U via 6-3, 6-0 at 6-1, 7-6 (11) pananaig kina Kate Imalay at Juvels Velos, kapuwa taga-Danao, Cebu, ayon sa pagkakabanggit.

Pasiklab din sina Zita Clarke ng Camiguin Island at Cabanatuan City, Nueva Ecija bet Lexious Cruz sa pagkopo sa mga titulo ng 12-U kung saan sinilat ng una si top seed Ma. Caroliean Fiel, 7-6 (3), 6-3, sa semis at si Mae Diamante, 6-2, 6-4.

Tinapos naman ni fifth-rank Cruz ang pananalasa laban kay No. 2 Rafa Callao, 4-1, 4-0, sa quarters, ginimbal si third seed Matthew Morris, 6-1, 6-1, at nilindol si top rank David Sepulveda, 6-0, 6-0.

Dadako ang mga aksiyon sa Mandaue City simula ngayong Miyerkoles (Agosto 10) na rito’y susustenahin nina Rivas at Brodeth ang pagragasa kasunod sa pagtayong punong abala ng City of Naga sa susunod na yugto sa Aug. 17-24.

Titiklop ang Cebu swing ng circuit, na mga pinapadrinuhan ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating), sa Consolacion, Laray sa Aug. 25-31. Sa mga detalye pa, kontakin si event organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464. (Abante TONITE Sports)