WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Ruffa inasar si Annabelle

NI: Beth Gelena

Nagpadala ng congratulatory message ang ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Ito’y dahil sa success ng kanyang movie na ‘Maid in Malacang.’

Na-touch naman ang former beauty-queen actress sa effort ng dating mister.

Anyway, bumiyaheng Cebu ang ibang cast ng MIM gaya nina Karla Estrada, Cesar Montano , Diego Loyzaga at direk Darryl Yap.

May isang personalidad na wala naman sa casting, pero sumabit sa lakad ng grupo, ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Hanggang premiere night at presscon ng MIM sa Cebu ay present din siya.

Inasar tuloy siya ng anak na si Ruffa kung kasali raw ba siya sa movie nila.

Knowing naman si Bisaya, basta sa anak ay very supportive ito.

Pero, ang nakakatuwa ay ang mag-amang Cesar at Diego.

Aba, ang tawag ni Buboy kahit out of cam na sila kay Ruffa ay, “Hi my First Lady” at “mommy” naman ang tawag sa kanya ni Diego.

Talbog!