WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Ulo ni ex-kap pinasabog

Patay ang dating kapitan ng barangay matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa kilalang riding in tandem na mga suspek sa harapan ng kanyang pamilya Lunes ng gabi sa bayan ng Ibajay, Aklan.

Sabog ang bungo sa tama ng bala at agarang namatay ang biktimang si Mhelvin Cabales, dating kapitan ng barangay Bagacay ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente alas-6:48 ng gabi sa harap ng sementaryo sa Barangay Poblacion.

Bago ang pananambang, kasama ng biktima na nanood ng basketball ang asawa at 12-anyos nilang anak sa Barangay Ondoy.

Pauwi na ang pamilya nang hinarang sila ng riding in tandem at paglapit sa biktima ay malapitang binaril sa ulo sa harap ng kanyang asawa at anak na hindi naman ginalaw ng mga salarin.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpatay. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID