WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Vhong ‘nilaglag’ sa endorsement; Manager pumalag

How true ang nakalap naming impormasyon na nilalayuan na ng mga corporate advertisers si Vhong Navarro bilang isang showbiz endorser ng mga naglalakihang brands?

Totoo bang biktima si Vhong Navarro ng “ghosting” ng kanyang mga corporate sponsors? Bigla umanong nilaglag bilang showbiz endorser ng mga bestselling brands dahil sa humabol na ‘rape case’ umano na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo noon pang 2014?Kulang-kulang na isang dekada na inabot ng kaso sa piskalya at sa Department of Justice.

Maaalala na naglabas ng desisyon ang Court of Appeals nitong unang linggo ng buwan ng Agosto na inatasan ng nakakataas na hukuman ang Taguig prosecutor’s office na isampa na sa Taguig City Regional Trial Court para magkaroon ng paglilitis kay Vhong Navarro at mabigyan ng kanyang “day in court” si Cornejo.

How true na isang cable company na kasalukuyang si Vhong Navarro ang endorser sa kanilang mga poster, billboard at iba pang mga patalastas ay naglabas na umano ng bilin sa kanilang mga ad executives na simulan na umanong i-pullout? Totoo ba na buburahin na si Vhong sa nasabing endorsement?

Bukas ang panig ni Vhong sa ikalilinaw ng isyung ito.

Nag-chat kami sa manager ni Vhong na si direk Chito Rono sa FB Messenger.

Pumalag siya sa isyu. ”Wa. Tuloy pa rin 2ng endorsement niya at shows,” sambit niya (ART)