WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Vice napagod sa mabigat na pinagdaanan

NI: VINIA VIVAR

Sa kanyang latest Instagram post ay nag-emote si Vice Ganda sa kanyang fans and followers. In a video-audio clip kung saan ay maririnig ang kanyang boses, sinabi niyang hindi naging madali para sa kanya ang mga nakaraang buwan dahil sa kanyang mga pinagdaanan.

“These past few months have not been easy. In fact, they’ve been really difficult. Ang daming nangyari sa buhay ko. May magagaan, may mabibigat.

“May mga masasaya, may mga malulungkot. May mga winning woments at may mga humbling moments,” pag-amin ni Vice Ganda.

Patuloy niya, napakarami niyang pinagdaanan na hindi alam ng tao.

“Sa mga pinagdaanan ko, ilan lang diyan ang nakita niyo at talagang alam niyo. It was really exhausting, really exhausting,” aniya.

Pero magkagayunman, sobra-sobrang pagmamahal at suporta naman daw ang natatanggap niya mula sa madlang people.

“And I know, napakarami sa inyo ang nagdadasal para sa kalusugan ko at sa kaligayan ko. At ‘yun ang nagpapanumbalik ng sigla ko,” she said.

“Kaya araw-araw, anuman ang pinagdadaanan, excited ako laging gumising kasi sigurado ako, nandyan kayo.

“At gigil na gigil ako laging pasayahin kayo,” aniya pa.

Sa huli ay nagpasalamat siya sa madlang people at kanyang fans na tinatawag niyang “Little Ponies.”

“Kaya ngayon, bago ako matulog, I just want to say thank you very much and I love you Madlang People. Most especially to you, my Little Ponies. Good night,” pagtatapos ni Vice Ganda.

Umapaw naman sa comment section ang mga words of love and encouragement sa kanya ng mga kaibigan and supporter.

Sabi ni Korina Sanchez, “anuman yan, oo siguro mahirap. Pero kaya mo yan.”

Komento naman ni Ruffa Gutierrez, “sending love, Vicey!!”

Sey naman ni Iza Calzado, “sending love and healing light!”

Dahil wala namang detalyeng binanggit si Vice, marami ang na-curious kung ba ang problema niya at kung okay ba sila ng asawang si Ion Perez.

Pero mukhang wala naman silang problema ni Ion dahil sweet na sweet pa rin naman sila base sa mga huling posts ni Vice.

Anyway, abangan na lang natin at baka sooner or later ay mag-open-up si Vice tungkol dito.