WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

DongYan bilib sa digital TV device

NI: ROLDAN CASTRO

Pinabongga ang 2nd anniversary ng GMA Affordabox dahil kasama sa celebration sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera!

Ipinakikilala rin ang kinagigiliwang mascot na makakasama ng Kapuso royal couple – si Affordy!

Ibinahagi ni Marian ang mga nagustuhan niya sa digital TV device na ito. “Bukod sa napaka-affordable niya, mapapanood pa ito nang mas maliwanag, mas makulay at mas maganda. Kasi kapag gano’n ang offer, ibig sabihin mas masarap manood at mas naiintindihan mo kung anong pinapanood mo,” saad ni Marian.

Samantala, ikinatuwa naman ni Dingdong ang napakadaling installation steps para sa GMA Affordabox users. “Kumbaga, babasahin mo lang ‘yung instructions, wala pang three minutes, mayroon ka na kaagad mapapanood.”

Mahigit dalawang milyong GMA Affordabox units na ang nabili simula nang ilunsad ito noong 2020. Natulungan nito ang mga Pinoy na lalo pang mag-enjoy na panoorin ang GMA at GTV sa mas mataas na kalidad kasama na rin ang GMA digital channels na Heart of Asia, Hallypop, at I Heart Movies. Mapapanood din sa digital broadcast ang ibang free-to-air channels na available sa bawat area.

Kasabay ng lumalaking bilang ng GMA Affordabox users, patuloy ding lumalawak ang coverage areas nito.

Ginawang mas affordable ang GMA Affordabox mula sa original price na P888, ngayon ay P799 kaya mas abot-kaya na ang viewing experience na “mas malinaw, mas makulay at mas maganda” kumpara sa analog TV.