WebClick Tracer

SPORTS

Juico, tropa inulam Sardines

Sa bangis ni Michael Vincent Juico, agad hinabol ng Nueva Ecija ang dalawang puntos lang na pagkaiwan at nilayuan ang Zamboanga ng 14 tungo sa paglantak ng 81-76 win sa sa pagpapatuloy ng OKBet Xtreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game Lunes ng gabi sa Nueva Ecija Sports Complex sa Palayan City.

Namuno ang 34-anyos na guard sa 16 points, 6 rebounds at 2 assists para iangat ang Rice Vanguards sa 13-0 sa mala-pagkit na kapit sa pangkalahatang liderato at sa North Division, sinalya ang Family’s Brand Sardines sa pangatlong sunod na semplang sa 11 laro rin at sumalampak sa tersera sa South Division.

Umangas din sa Novo Ecijanos sina Michael Mabulac, Jonathan Uyloan, John Byron Villarias at Hesed Gabo na mga umararo ng 13, 12, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod. (Annie Abad)