WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Mga LGU inawat sa no contact apprehension

Humirit ang Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad na ng no contact apprehension policy (NCAP) na suspendihin muna ang pagpapatupad nito.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz, kailangan pang plantsahin ang ilang parte ng polisiya, kabilang na ang tungkol sa mga pampublikong sasakyan. Sa kasalukuyang panuntunan ng NCAP, ang mga operator ang magbabayad ng mga paglabag ng mga tsuper na nasa ilalim nila.

“Pero, ito po ay pinag-aaralan namin ngayon. Tila po may kakulangan sa policy na maaaring kailangang repasuhin upang ang mismong drayber o nagmamaneho ng sasakyan ang dapat na managot sa paglabag. We will look into ways na ang dapat managot ay ang drayber,” dugtong pa niya.

“Ito po ay proyekto ng mga LGU. Ang part lang ng LTO ay kami ang naglalabas ng alarma sa mga sasakyang lumabag,” paglilinaw pa ni Guadiz. (Joven Delantar)