WebClick Tracer

METRO

6 tauhan ng DPWH nakuryente

Binawian ng buhay ang isa habang naratay ang lima pa nang mauwi sa trahedya ang pagtatayo nila ng kuryente ng poste sa Batangas na sinasabing proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa report, nangyari ito nitong Miyerkules kung saan itinatayo ang poste ng kuryente sa national highway ng Barangay Sampaga sa Batangas City kung saan tinamaan ng proyekto ang kuryente ng National Grid Corporation of the Philippines.

“Pag-install, na overlook nila yung height ng high tension wire,” sinabi naman ni Ronaldo Frago, OIC, Construction section, DPWH II.

Agad namatay si Nicolai Rivera habang naratay sa ospital ang kasamahan nito.

Sinabi ng pamilya-Rivera na ini-report na ito sa tanggapan pero wala pang malinaw na pahayag ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng kanilang mahal sa buhay.

Sinabi naman ng contractor sa radyo na sasagutin nila ang gastos ng namatay at mga nasugatan. (Kiko Cueto)