WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Feelingerong young actor pasaway sa manager; balak mag-ober da bakod

Nakakagulat ang kuwento ng aming source na malapit sa isang young actor. Malayung-malayo na raw ang ugali nito sa una nilang pagkakakilala. Attitude na raw.

Hindi lamang sila na malapit sa bagets actor ang nakakaobserba, maging ang mga katrabaho nito. Kapag daw tini-text ng manager niya ay hindi agad nasagot, pero kapag pera ang pinag-uusapan asahan mong reply agad. Pasaway na raw ngayon.
Feeling big star na raw si young actor.

Ang tsika pa, dahil malapit na raw mag-lapse ang kontrata nito sa kaniyang mother network ay nagpaparamdam na raw ito sa ibang network ng paglipat.

Naku ha, bakit naman niya ito gagawin kung iisipin eh hindi naman siya nawawalan ng proyekto kung nasaang istasyon siya ngayon.

What’s new?Mabibilang lang naman sa mga artista ang hindi nagbabago.