WebClick Tracer

METRO

Pintor, 5 estudyante binitag sa bentahan ng marijuana

KALABOSO ang umano’y maintainer ng isang drug den kabilang ang limang estudyante nang maaktuhan silang nagbebenta ng iligal na droga sa anti-illegal drug operation sa Barangay San Antonio, Aparri, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Aparri Police Station (APS) commander P/Maj. Gil Pagulayan ang illegal-drug maintainer na si alyas “Dan”, 26, isang artist kabilang ang limang menor-de-edad na estudyanteng di na pinangalanan.

Sa ulat ng APS, ayon kay Pagulayan, matagal nang minanmanan ang iligal na gawain ng grupo matapos magsumbong ang mga concerned citizen na si Dan ay nagbebenta ng marijuana sa lugar at ginagamit ang mga estuyante.

Nasamsam mula kay Dan ang pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops at nagkakahalagang P120K, anti-drug paraphernalia at mga cellphone na gamit nila sa iligal na transaksyon. (Allan Bergonia)