WebClick Tracer

NEWS

Plano sa mga Taiwan OFW kinalampag

Nagpahayag ng pagkabahala ni Senador Christopher `Bong’ Go sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa East Asia sa gitna ng namumuong tensiyon sa Taiwan kaya’t pinalalatag nito sa Department of Migrant Workers (DMW) ang contingency plan sa oras na lumala ang sitwasyon doon.

Hinikayat din niya ang DMW na tiyaking nakahanda na ang tulong at reintegration program ng gobyerno sakaling mag-uwian sa Pilipinas ang mga OFW mula sa Taiwan.

“Proteksyunan natin ang buhay ng bawat Pilipino nasaan man sila sa mundo lalo na ang mga itinuturing nating modern-day heroes na OFWs na nagtatrabaho para mayroong maitustos sa pamilya nilang naiwan,” diin ni Go.

Tumaas ang tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan matapos bisitahin ni US House Speaker Nancy Pelosi ang naturang isla noong Agosto 2. Kinondena ng China ang pagbisita ni Pelosi at nagsagawa pa ng military drill sa Taiwan Strait. (Dindo Matining)