WebClick Tracer

NEWS

Proteksyon sa 1.5M freelance worker itinulak

Itinutulak ni Senador Joel Villanueva na protektahan ang karapatan at kapakanan ang 1.5 milyong freelancer o mga manggagawa sa `gig economy’ sa Pilipinas, na inaasahang dadami pa habang bumabangon ang bansa mula sa pandemya.

Ayon sa senador, pang-anim ang Pilipinas sa fastest growing markets sa buong mundo para sa gig economy batay sa 2018 Gig Economy Index at tinatayang mga freelancerna ang karamihan ng mga manggagawa sa mundo sa 2027.

“Habang tumataas po ang bilang ng freelance workers, kailangang maprotektahan ang bagong klase ng mga manggagawang ito pamamagitan ng mga bagong batas. Mas madali po silang maabuso at mapagsamantalahan dahil sa iba po ang sitwasyon ng kanilang pagtatrabaho,” sabi ni Villanueva.

“Nakarinig na po tayo ng mga kuwento ng freelance workers at independent contractors na inabuso o pinagsamantalahan sa mga proyekto, tapos mababa ang bayad nila, delayed ng isang taon, o hindi man lamang nabayaran. Freelancing isn’t for free,” dagdag pa ng senador. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID