WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Roberta sakalam ang awra

NI: NONIE NICASIO

Pampagising sa natutulog na ugat ang mabibistahan kay Roberta Tamondong sa kanyang Instagram account . Ito ay mula sa larawan na kuha ni Ren Gabriel Lucas Buluran.

Ibang klaseng hotness ang ibinalandra rito ng beauty queen. Bukod sa taglay niyang kagandahan, katakam-takam ang kurbada ng kanyang katawan. Lumutang ito sa suot niyang hot na hot na two-piece swimsuit.

Walang barakong kayang isnabin ang alindog ni Roberta. Sadyang petmalu at sakalam ang kanyang awra.

Si Roberta ay may taas na 5 feet 9 inches at tubong San Pablo, Laguna. Siya ang nanalong Bb. Pilipinas-Grand International 2022 sa katatapos na Binibining Pilipinas 2022 pageant. Sa October 25, 2022, siya ang magiging kinatawan ng bansa para sa Miss Grand International 2022 sa Bali, Indonesia.

Ang babaeng tulad niya ay animo isang magnet na susundan at hahanapin ng mga kalalakihan.

Langit ang katumbas sa maraming boys na masilayan ang kanyang kariktan. (Nonie Nicasio)