WebClick Tracer

NEWS

Virology center ikinasa ng Malacañang

Kumikilos na ang gobyerno para magkaroon ng Virology center at sariling Center for Disease Control ang Pilipinas upang maging handa sa anumang pandemyang darating sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga medical health expert, scientists at researchers sa kanyang pagdalo sa 15th Philippine National Health Research System week na ginanap sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na nakipag-ugnayan na ang Malacañang sa Kongreso para magpasa ng batas na lilikha ng Virology center at sariling Center for Disease Control ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Marcos ang importansiya ng kaalaman sa siyentipikong pagsasaliksik para maihanda ang Pilipinas sa pagtugon sa anumang pandemya o krisis pangkalusugang tulad ng COVID-19. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID