WebClick Tracer

SPORTS

Classic Gee abangers

Markado si Classic Gee sa Philracom (Philippine Racing Commission) Rating Based Handicapping System na pakakawalan ngayong Sabado ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite

Sasakyan ni jockey Jommel Lazaro, makakatagisan ng bilis ni Classic Gee sina Avenue Shopper, Sagitsit, Jambo, Helkinsi at Kisskissbangbang sa distansyang 1,300-meter.

Ayon sa komento ng mga karerista posibleng magbigay ng magandng laban kay Classic Gee sina Sagitsit at Avenue Shopper.

Nakalaan ang P15K added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5K pa para sa winning horse owner. (Elech Dawa)