WebClick Tracer

SPORTS

Cruz, San Miguel kaway sa finals

Semis Games 6 sa Linggo (Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm – SMB vs Meralco

6:30 pm – Magnolia vs TNT

Naligtasan ng San Miguel Beer ang game of runs kontra Meralco 89-78 sa Game 5 ng kanilang PBA Philippine Cup semis sa Smart Araneta Coliseum Biyernes ng gabi.

Mas steady sa end game ang Beermen para bumiyahe sa 3-2 lead, puwede nang tapusin ang best-of-seven sa Game 6 sa Linggo sa Big Dome rin.

Siyam sa 16-point run ng SMB sa third quarter ang nilista ni Jericho Cruz para lumamang 67-56 papasok ng fourth. Itinaas nila ‘yun sa 71-56, pero naibaba sa anim ng Bolts sa final 2 minutes.

Nagsalitan sina CJ Perez, Rodney Brondial sa kalas ng Beer bago pinalitadahan ng free throws ni Cruz na tumapos ng 17 points – 14 sa second half.

Nagsumite ng 25 pts., 9 rebounds at 5 assists si Perez, may 12 pts., 15 rebs., 4 asts. at 2 blocks si June Mar Fajardo.

“Mindset ko lang coming into this game is to stop the guy that’s scoring from the other team, who is (Allein) Maliksi. Iniisip ko ‘pag na-stop ko ‘yun, malilimit ‘yung play nila sa kabila, which is nangyari ngayon,” ani Cruz, tinoka kay Maliksi na nalimitahan sa 4 of 9 shooting bagama’t lahat puro sa 3s.

Nanguryente ng 24 points si Chris Newsome sa Meralco.

Sa kabila, pinahaba ng Magnolia ang series nang takbuhan ang TNT 107-95 sa likod ng 25 points ni Mark Barroca – 16 sa first half.

Umayuda ng tig-16 sina Paul Lee, Ian Sangalang at Calvin Abueva na may 10 rebounds at 5 assists pa at dinikit ng Hotshots ang serye sa 3-2.

Nabigo ang Tropang Giga na isara ang series sa kabila ng 18 points ni Jayson Castro, 17 ni Troy Rosario at 16 pa ni Poy Erram.

Mga iskor

Unang laro

Magnolia 105 – Barroca 25, Abueva 16, Lee 16, Sangalang 16, Jalalon 15, Dionisio 10, Dela Rosa 3, Reavis 2, Escoto 2, Wong 0.

TNT 97 – Castro 18, Rosario 17, Erram 16, M.Williams 13, Pogoy 13, Khobuntin 12, K.Williams 6, Montalbo 2, Reyes 0, Ganuelas-Rosser.

Quarters: 28-26, 59-45, 81-73, 105-97.

Pangalawang laro

San Miguel 89 – Ref 24, Cruz 17, Fajardo 12, Tautuaa 9, Enciso 8, Manuel 6, Lassiter 5, Brondial 5, Ross 0, Herndon 0.

Meralco 78 – Newsome 24, Maliksi 12, Hodge 11, Quinto 11, Almazan 8, Black 6, Pascual 2, Banchero 2, Hugnatan 2, Jose 0, Baclao 0.

Quarters: 25-22, 41-44, 67-56, 89-78. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID