WebClick Tracer

NEWS

DND naghahanap ng mabibiling Mi-17 chopper

Inamin ng Department of National Defense (DND) na naghahanap na sila ng bagong mabibilhan ng heavy-lift helicopters.

Ito’y matapos na ibasura ng nagdaang administrasyong Duterte ang kontrata nito sa isang Russian company sa pagbili ng 16 na Mi-17 helicopter para sa Philippine Air Force (PAF), ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong.

Sinabi ni Andolong na muling bumuo ang DND ng Contract Termination and Review Committee (CTRC) para pormal na iurong ang military procurement contract na P12.7 bilyon ang halaga.

“The previous admin began the process of termination. Sec. Lorenzana issued a memo or letter to the Russian side expressing the intent of the PH gov’t to cancel the project. In that sense, the termination was already expressed, although there are procedures that need to be followed to formalize this because there was a contract signed. There must be a process to have closure on this particular contract,” sabi ni Andolong sa mga mamamahayag.

Piniramagan ito sa ilalim ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 2021.

Sinabi ni Andolong na noong panahon na iyon ay walang ibang proponent sa proyekto pero ang Russia Mi-17 ang napili dahil sa spacious cabin at mas mura.

Sinabi ni Andolong na isang “vital component” ng Armed Forces of the Philippines ang transport helicopters.

Nitong COVID-19 pandemic, ang mga helicopter ang madalas na gamit sa pagbiyahe ng mga tao, gamit at bakuna.

Ibinasura ang kasunduan dahil sa posibleng economic sanctions ng Amerika sa Pilipinas kabilang ag pag-freeze ng accounts ng bansa at pag-hold sa padalang dolyar ng mga nandun sa Estados Unidos.

Nitong Enero nagpadala ang Pilipinas na initial payment na P1.9 bilyon para sa proyekto. Inihahanda na ng DND ang mga posibleng hakbang para mabawi ang deposito. (Kiko Cueto)