WebClick Tracer

NEWS

Marcos sobrang pokus sa trabaho – Sec Trixie

Maganda ang performance ni Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang unang 100 araw.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles bilang pagsang-ayon sa survey na nagsasabing 68% ng mga Pilipino ay naniniwalang magiging maganda o “very well” ang performance ng pangulo sa kanyang unang 100 araw sa puwesto.

Ayon kay Angeles, maaaring hindi lang agad napapansin ang istilo ng trabaho ng pangulo subalit nakatutok ito sa kanyang mga ginagawa lalo na sa mga pangunahing isyu sa bansa.

“The President does very well. Ang nakikita lang natin is that it took some time for people to realize `yong style niya which is deliberative, science-based and you know very professional,” ani Angeles.

Sinisiguro aniya ng pangulo na nakalatag ang mga plano ng bawat departamento ng gobyerno para masigurong agad na nakakatugon sa pangangailangan ng taongbayan.

“So we know that the previous administration was characterized by a lot of passion but this president naman is characterized by a more systematic and efficient response. He also likes to deal with institutions para i-institutional ang ating mga responses and he likes things that are planned, well planned ang organization, well planned ang mga activities,” dagdag ni Angeles.

Nakakatugon naman aniya ang mga team ng gobyerno at habang tumatagal ay nagiging episyente ang paghahatid ng serbisyo publiko lalo na sa mga panahon ng kalamidad tulad ng nangyaring malakas na lindol sa Abra at ilan pang mga lalawigan sa Region 1.

“So far nakikita ko that the teams are getting more efficient as the days go by. And so far sa tingin namin is nakakaresponde kami ng mabilis sa ating pangulo. But of course as you know we need sometimes change halimbawa pagka times of disaster iba po yong bilis atyong kailangan response time namin, and so far so good ang nakikita namin sa aming mga team,” wika ni Angeles.

Dagdag pa ni Angeles na nakapokus ang Pangulong Marcos sa paghahanap ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

“He has to come up with solutions to problems that are both long term, medium term and short term,” ani Angeles. (Aileen Taliping/Prince Golez)