WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bagets, senior swak sa P10M shabu

Mahigit sa P10.5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Mandaue City Police Office sa Cebu matapos ang dalawang magkasunod na operasyon kahapon nang madaling-araw sa nasabing lungsod.

Base sa ulat na ipinadala ng Mandaue City Police sa Police Regional Office (PRO) 7, unang nadakip dakong ala-1:35 nang madaling-araw ang 18-anyos na si John Alex Villaraz, sa isang buy-bust operation sa Barangay Cabancalan.

Nakuha sa suspek ang nasa isa’t kalahating kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon.

Dakong alas-2:45 nang madaling-araw naman ng maaresto ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit at Mandaue City Police ang isang senior citizen na nakilalang si Danilo Bauri Canillo alyas `Tatay Kirat’, 60-anyos, ng Basak, San Nicolas Cabreros, Cebu City.

Nasakote si Canillo sa buy-bust operation sa Sitio Panaghiusa, Barangay Tipolo, Mandaue City kung saan nakumpiska umano sa kanya ang nasa 50 gramo ng pianiniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Ayon kay PRO 7 director Brig Gen. Eduardo Vega, ang operasyon ay resulta ng pinagsanib na intelligence effort sa ilalim ng pamumuno ng bagong police chief ng lungsod.

“I lauded Mandaue police for the dedication demonstrated in our fight against criminality in Central Visayas, especially on illegal drugs. Let us continue what we are doing to attain a drug-free Cebu,” pahayag ni Vega.

Sinampahan naman ng kaso ang mga suspek na kasalukuyang nang nakakulong. (Edwin Balasa)