WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mag-utol na paslit dedo sa lunod

Nasawi ang magkapatid na menor de edad matapos malunod sa dagat na kanilang pinaglanguyan kamakalawa sa Donsol, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na sina Steven, 10, at Sidney Mae Catubig, 14, pawang residente ng Barangay Rawis ng nasabing bayan.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapgsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente ala-una ng hapon sa karagatan sakop ng Barangay PWWD sa nabanggit na bayan.

Naglalaro umano ang magkapatid na biktima kasama ang kanilang mga pinsan sa tabing-dagat ng lumusong ito sa dagat at hindi nila namalayan na napunta na sila sa malalim na parte.

Sinubukan pa umanong makabalik sa pampang ng mga biktima pero agad silang hinatak papalubog ng malakas na current.

Nakahingi naman ng tulong ang mga pinsan ng mga biktima at sinubukan pang sagipin ang magkapatid at dalhin sa Donsol District Hospital subalit idineklara na rin ang mga itong dead on arrival. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID