WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
OPINION

Silipin presyuhan ng kuryente sa probinsya

Sa wakas naman ay napansin na rin ng mga kinauukulan ang sobrang taas sa singil sa kuryente sa mga probinsya.

Sinabi kahapon ni Senate Presidente Migz Zubiri na halos doble raw ang singil sa kuryente sa mga probinsya kumpara sa Metro Manila.

Partikular na tinukoy ni Senate President Zubiri ay ang mataas na singil sa Cagayan na P15 per kilowatt hour habang sa Bukidnon ay P16 to 18 at maging sa Nueva Ecija ay P18.

Sa Metro Manila naman ay P9 per kilowatt ang singil.

Ang laking dipresensiya nga pala ng singilan ng kuryente sa NCR at sa ilang probinsya. Tama ang mambabatas, halos doble ang rate na dapat silipin ng Energy Regulatory Board (ERC).

Mababa ang kitaan sa mga probinsya kaya hindi makatarungang mas mahal ang singil sa kuryente sa mga lalawigan.

Huwag dapat tantanan ng Senado ang isyung ito dahil lalong nahihirapan ng ating mga kababayan na hindi na nga maawat ang pagtaas sa presyo ng bilihin ay sumasabay pa ang sobra-sobrang singil sa kuryente.

***
Nais nga pala nating papurihan ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa inilunsad nitong Open University System kung saan ay mga out school youth mula sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila ang nagbenepisyo.

Nasa 15 out -of-school youth ang pinalad sa programa ng PUP na sumalang sa face-to-face class sa loob ng bus.
Ang mga ito ay maaring kumuha ng kursong Bachelor in Office Administration.

Hindi ba’t nakaka-inspire ang ganitong programa ng mga unibersidad na inilalapit talaga ang edukasyon sa mga interesado at karapat-dapat na estudyante.

Hangad natin ang tagumpay ng programang ito ng PUP upang sa gayon ay mas maraming estudyanteng nangangarap makatapos ang makinabang.