WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Aktor namalimos ng pelikula

NI: ROMMEL PLACENTE

Ilang beses kaming tsina-chat ng isang not- so-young actor na nagpapatulong makagawa ng pelikula ulit o kahit indie lang.Matagal na kasi siyang walang pelikulang ginagawa. At sa telebisyon ay madalang lang siyang mapanood.

May manager naman itong si not-so-young actor,kaya nagtataka kami kung bakit sa amin nagpapatulong na magkaroon ng raket.

Siguro ay napansin niya na hindi siya nahahanapan ng kanyang manager ng project kaya humihingi siya ng tulong sa mga kakilala at kaibigan niya.

Sa ngayon nga ay walang proyekto both sa telebisyon at movie itong si not-so-young actor. Need pa naman niyang magtrabaho dahil may pamilya siyang binubuhay.

Ang not so young actor na ito ay sumikat noong kanyang kabataan.