WebClick Tracer

SPORTS

Altamirano, UST humirit

Humila ng do-or-die Game 3 semifinals ng 10th Philippine Basketball Association D-League Aspirants Cup ang Apex Fuel-San Sebastian sa paggiya ni Ichie Altamirano nang takbuhan sa dulo ang Marinerong Pilipino 82-74 sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng hapon.

Inangklahan ni Altamirano ang atake ng Golden Stags sa dulo, ikinalat sa final 5:30 ang 8 sa kanyang 13 points. Namigay pa ang senior guard ng 4 assists.

Pero namuno sa Baste ang 15 pts., 10 rebounds ni Romel Calahat, may 14 at 8 si Jesse Sumoda.

“The effort, palaging nasa kanila,” suma ni Stags coach Egay Macaraya. “When you work hard, good things will happen.”

Nabigong umabante sa finals ang Skippers sa kabila ng 28 points ni Jollo Go mula 5 for 9 shooting sa 3s.

Sa isa pang series, nakapuwersa rin ng winner-take-all ang Adalem Construction-St. Clare nang bawian ang EcoOil-DLSU Green Archers 72-64 sa likod ng 22 points ni Johnsherick Estrada at 21 ni Joshua Fontanilla.

Sa Miyerkoles ang Games 3 ng parehong series. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID