WebClick Tracer

SPORTS

Carlos MVP: Creamline kampeon

Umiskor si Diana Mae ‘Tots’ Carlos nang krusyal na 14 points nang resbakan ng Creamline ang semifinals tormentor KingWhale Taipei, 25-21, 25-19, 25-8, at magreyna sa 5th Premier Volleyball League (PVL) 2022 Invitational Conference sa MOA Arena sa Pasay Linggo ng gabi.

Siya ang tinanghal na conference Most Valuable Player bukod pa sa Best Opposite Spiker, habang ang mga katropang sina Celine Domingo ang Finals MVP at Alyssa Valdez ang 1st Best Outside Spiker.

Kumukumpleto sa mga pinarangalan sina Taiwanese 1st Best Setter Liao Yi-Jen at Best Libero Qui Shi-Quing, 2nd Best Outside Spiker Frances Xinia Molina ng tumerserang Cignal, at sina Mika Aereen Reyes at Dell Palomata ng kapuwa pumang-apat na PLDT Home Fibr ang mga 1st at 2nd Best Middle Blocker.

Kasapakat naman ni Carlos sa paghihimagsik ng Cool Smahers sina Jessica Margaret ‘Jema’ Galanza na umiskor ng 13 at Domingo na may 11 puntos para sa pangalawang sunod nilang korona pagkakopo rin Open Conference noong Abril.

Hinablot din ng winning squad ang karapatang katawanin ang ‘Pinas sa 7th Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup na gaganapin sa sunod na Linggo sa bansa.

Inunahan ng mga bisita ang Creamline sa five-set win noong noong Biyernes, pero kaibang determinasyon ang binalandra upang mabuweltahan ang mga dayo. (Lito Oredo)