WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Mimiyuuuh: Nadine ka-level ng ulam sa microwave

Aliw na aliw ang mge netizen sa komento ni Mimiyuuuh sa bagong social media post ni Nadine Lustre.

Ikinumpara kasi ni Mimiyuuuh si Nadine sa ulam sa loob ng microwave.

Sa Instagram, ibinahagi ni Nadine ang video para sa kanyang product endorsement.

Makikita kasi na nakasuot si Nadine ng itim na outfit habang eleganteng umiikot.

Hindi naman naiwasan ni Mimiyuuuh na magbiro at sinabing: “Ms. Nadine para kang iniinit na ulam sa microwave. KIMMMYMYYYYYYY!!!”

(Sherrylou Nemis)