WebClick Tracer

SPORTS

Montuano, Mag-isa bumira

Pumukol ng tig-14 points sina Mark Angelo Montuano at Edzel Mag-isa nang kargahin ang Bacoor City Strikers sa pagtaob kontra Laguna Heroes Jrah Asia 69-57 sa pagpapatuloy ng Xtreme OKBet 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game Sabado ng gabi sa Strike Gymnasium sa Cavite.

May tig-9 rebounds pa ang dalawang cager para sa pang-apat na pananaig laban sa anim na olats ng Strikers na pumirmi sa pampitong puwesto sa South Division sa single round robin elims ng 22-team men’s hoopfest.

Hindi naman kinaya ng Laguna ang kinayod na 12 puntos ni Darius Estrella sa pagbagsak sa 1-11 upang masibak na sa next round. (Ramil Cruz)