WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Thea sakalam sa labanan

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi nabakante si Thea Tolentino ngayong 2022.

After ng ‘Las Hermanas’ ay mapapanood na siya sa ‘Lolong’.

“This is one of the projects I’m really proud that I’m part of. Mahalaga ang bawat karakter, [sa mga susunod na tagpo] mas magiging intense ag labanan,” bulalas ng Kapuso actress.

“Sobrang swerte ko na nagkaroon agad ako ng project,” bulalas pa niya.

Kamakailan ay nagdiwang si Thea ng kanyang kaarawan. Aminado siya na sa edad 25 ay parang roller coaster ride ang buhay niya. Pero sakalam siya na labanan ang mga pagsubok sa life. Naging wiser, bolder at matured siya. Ngayong 26 na siya ay sinisikap niya na maging balanse ang mga bagay-bagay.

Samantala, tingnan ang kaseksihan ni Thea sa Coron kung saan ay first time niya na makapasyal.