WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bus nag-dive sa bangin, 30 pasahero ligtas

Masuwerteng sugatan lamang ang ilang pasahero ng isang bus matapos mahulog sa bangin sa Sitio Mangima, Barangay Tankulan, Manolo Fortich, Bukidnon nitong Sabado.

Papunta sana sa Davao City ang bus na may 30 pasahero mula sa Cagayan de Oro.

Rumesponde ang pulisya at Municipal Disaster Risk Reduction Office rescue team at agad dinala ang mga nasaktan sa Bukidnon Provincial Hospital. Walang naitalang nasawi sa insidente.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Roads and Traffic Administration, maaaring nawalan ng preno ang sasakyan. Madulas din ang kalsada nang mangyari ang aksidente dahil umuulan. (Ansherina Jazul)