WebClick Tracer

SPORTS

Castro, TNT swak sa Finals

Take charge si Jayson Castro at sinipa ng TNT ang Magnolia 87-74 sa Game 6 ng PBA Philippine Cup semis Linggo ng gabi.

Sa harap ng 9,349 fans na dumagsa sa Smart Araneta Coliseum, tinapos ng Tropang Giga ang semis 4-2 para dumiretso sa third straight trip sa all-Filipino Finals at ituloy ang pagdepensa ng titulo na kinuha kontra Hotshots din.

May 11 minutes pa sa laro, natawagan ng flagrant foul 2 si Poy Erram nang malakas na abutin ang mukha ni Ian Sangalang na patira sa baseline. Duguan din ang kanang kilay ni Sangalang.

Ejected si Erram na tumapos ng 8 points, 9 rebounds at 2 blocks.

Nagsalansan si Castro ng 26 points, umayuda ng 15 si Mikey Williams, may tig-14 si RR Pogoy at 11 si Glenn Khobuntin.

Hindi naisalba ng tig-16 points nina Sangalang at Calvin Abueva ang Hotshots.

Sa first game, binatak ng Meralco ang decider nang agawan ng panalo ang San Miguel Beer 96-92.

Abante pa ng 10 ang Beermen sa final 3 minutes, nilista ng Bolts ang 14 sa final 16 points ng laro – 11 dito ang solo-katawan na binarako ni Aaron Black sa final 1:41.

Giniyahan ng 19 points ni Chris Newsome ang Meralco, may tig-17 sina Black at Cliff Hodge na humablot pa ng 12 rebounds.

Ang mga iskor

Unang laro

Meralco 96 – Newsome 19, Black 17, Hodge 17, Banchero 13, Almazan 11, Maliksi 7, Pascual 6, Quinto 6, Hugnatan 0, Pasaol 0, Jose 0.

San Miguel Beer 92 – Fajardo 23, Manuel 16, Lassiter 14, Perez 13, Tautuaa 8, Cruz 8, Enciso 8, Brondial 2, Ross 0, Herndon 0.

Quarters: 33-22, 56-45, 74-71, 96-92.

Pangalawang laro

TNT 87 – Castro 26, M.Williams 15, Pogoy 14, Khobuntin 11, Erram 8, K.Williams 4, Rosario 4, Montalbo 2, Reyes 0, Marcelo 0, Ganuelas-Rosser 0.

Magnolia 74 – Sangalang 16, Abueva 16, Jalalon 11, Lee 10, Dela Rosa 6, Laput 4, Wong 3, Barroca 3, Dionisio 2, Escoto 2, Corpuz 1, Brill 1, Reavis 0, Ahanmisi 0, Zaldivar 0.

Quarters: 21-17, 42-34, 60-55, 87-74. (Vladi Eduarte)