WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Lumubog sa Masbate: 16 sakay ng bangka na-rescue

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 16 na pasahero ng isang bangka na lumubog sa bahagi ng karagatan ng San Pascual, Masbate nitong Linggo nang madaling-araw.

Tinatayang nasa tatlong oras nang palutang-lutang ang mga sakay ng bangka nang madatnan ito ng PCG.

Sinabi ng PCG station commander sa San Pascual, na base sa kanilang paunang imbestigasyon, ang galing ang naturang bangka sa Camarines Sur at papunta sa coastal barangay ng San Jose sa bayan ng San Pascual.

Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay nasalubong sila ng hampas ng malalakas na alon, hangin at ulan. Ito ang naging dahilan ng kanilang pag-lubog.

Kabilang sa lumubog ang kargang mga sako ng bigas at animal feeds.

Tiyempo naman na may dumaan na mangingisda sa kinaroroonan ng mga pasahero kaya unang nailigtas ang tatlong bata at nakahingi ng tulong para sa iba pa.

Agad ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang insidente kaya’t dumating na rin ang PCG. (Kiko Cueto)