WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Max, Ruby wagi sa Cinemalaya 18 awards night

NI: ARCHIE LIAO

Sa simpleng seremonyang ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo, inanunsyo na ang mga nagwagi sa ika-18 edisyon ng Cinemalaya.

Waging best actress si Max Eigenmann para sa pelikulang 12 Weeks samantalang ang newbie actor na si Tommy Alejandrino ang tinanghal na best actor para sa The Baseball Player.

Best supporting actress naman si Ruby Ruiz para sa Ginhawa samantalang naiuwi ni Soliman Cruz ang tropeo para sa best supporting actor para sa Blue Room.

P{hoto by Archie Liao

Tinanghal namang best full-length feature film ang The Baseball Player samantalang best short film ang Black Rainbow.

Panalo rin bilang best director sa full length category si Ma-an L. Asuncion-Dagñalan para sa Blue Room at Gabriela Serrano para sa Dikit sa short film category.

Best screenplay awardee naman ang The Baseball Player ni Carlo Obispo.

Wagi rin sa kategoryang best cinematography at best production design ang Blue Room samantalang tinanghal na best editing ang The Baseball Player.

NETPAC awardees para sa full-length feature category Ang 12 Weeks ni Isabelle Matutina at Black Rainbow ni Zig Dulay para sa short film category