WebClick Tracer

NEWS

MMDA ratsada na sa number coding

Simula ngayong Lunes, Agosto 15, balik na ang number coding tuwing umaga sa National Capital Region (NCR) bilang paghahanda sa pagsisimula ng face-to-face classes sa Agosto 22.

Sa ilalim ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution 22-14, series of 2022, epektibo ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala bilang number coding sa NCR simula alas-siyete hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.

Tuwing weekdays ang implementasyon ng number coding maliban kapag holiday.

Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga sasakyan na may lisensyang

nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal tuwing Lunes, 3 at 4 sa Martes, 5 at 6 sa Miyerkoles, 7 at 8 sa Huwebes, at 9 at 0 sa Biyernes.

Pero warning muna ang ibibigay ng MMDA sa unang araw ng implementasyon nito. (Kiko Cueto)