WebClick Tracer

SPORTS

Castro pasiklab nitong Agosto 10-14

Isa pang pasabog na laro ang drinibol ni Jayson Castro na nagpauna na sa defending champion TNT sa best-of-seven Finals ng 47th Philippine Basketball Association 2022 Philippine Cup.

Dehins nasaksihan sa 36-anyos na Tropang Giga point guard ang kanyang edad sa pagtapos ng kampo niya sa Magnolia Chicken Timplados sa anim na laro kasama ang 87-84 noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Mabangis pa ang The Blur patunay sa kinayod na 26 points, 3 rebounds, 2 assists, 1 steal sa larong iyon at siguruhin ang patuloy na pagtatanggol ng team niya sa koronang nakopo noong isang taon laban sa Hotshots din.

Nag-average si Castro sa tatlong salang sa Final Four ng 17.7 point, 3.3 rebounds at 3.7 assists kaya sa kanya iginawad ng mga sportswriter ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week sa Agosto 10-14.

“Kung makita n’yo, ang defense nila halos naka-deny na kay Mikey (Williams),” bulalas ni Castro. “As a veteran, kailangan ko talaga mag-take over kasi may nakikita akong binibigay nilang shots.” (Abante TONITE Sports)