WebClick Tracer

SPORTS

De Leon, Philracom papasabog

Itinaas nina (L-R) horse trainer Ruben Tupas, Maricor Abadiano ng Rancho Sta. Rosa Stable at jockey John Alvin Guce ang kanilang mga tropeo na iginawad nina Philippine Racing Commission Chairman Aurelio De Leon (kanan) at PRCI racing manager Antonio Alcasid Jr. nang makasilat si King Tiger sa Philracom 44YO & Above Sprint Race sa Sta. Ana sa Naic, Cavite noong Linggo. (Ben Maniclang)

Magiging engrande ang mga aktibidades ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa liderato ni chairman Aurelio ‘Reli’ De Leon sa huling apat na buwan ng taon.

Ipinahayag ito ng nasabing opisyal nang bumisita Martes sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Beer Corporation (SMC), Milo, Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Amelie Hotel Manila, Unilever at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Maliban sa mga stakes race kabilang ang Presidential Gold Cup, ilalarga ang kauna-unahang 2,400-meter race sa Setyembre 18 sa San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Nakapaloob din ang 3-day Horseracing Festival, Expo sa Oktubre 1- 16 at Hall of Fame Awards sa Disyembre 4 na 10 ang mga pagkakalooban kasama sina late Amb. Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. at Don Antonio Floirendo Sr.

Swak sa festival ang horseracing at breeding clinics, at mga kabayong pang-equestrian at polo.

Pinanapos na sey ni De Leon, ang pagparito ng Australian expert para sa jockeys, trainers at horse owners conference. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID