WebClick Tracer

METRO

Kanong pedophile kalaboso sa BI

Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang puganteng Amerikano na wanted sa kanilang bansa dahil sa krimen laban sa mga menor de edad.

Ayon kay BI OIC Commissioner Rogelio D. Gevero, Jr., inaresto si Tye Braxton Stiger, 35, mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI sa Diego Cera Avenue, Las Pinas City noong Sabado.

Nabatid na naglabas ng warrant of arrest ang Jonesville, Hillsdale County, Michigan nitong Hulyo para sa 35 bilang ng paglabag sa child pornography-related sa Michigan Compiled Laws laban sa pugante.

Nagboluntaryo umano itong guro sa Sunday school sa Michigan pero nangmolestya umano ng mga menor de edad sa loob ng anim na taon.

Nasamsam dito ang higit sa 12 video mula sa mga camera na patago niyang inilagay sa iba’t ibang lugar para i-record ang kanyang mga biktima. (Mina Navarro)