WebClick Tracer

OPINION

Kapalpakan sa LTO dahil sa dayuhang IT provider?

Mismong ang Commission on Audit (COA) ang sumita sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa umano’y kapalpakan ng banyagang IT provider nito na may kinalaman sa higit P3 bilyong halaga ng IT project.

Sa pinakahuling audit report ng COA , sinabi nito na tinanggap ng LTO ang isinumiteng deliverables ng dayuhang IT contractor kahit na kulang-kulang at depektibo ang ilan sa mga ito.

Kabilang sa mga may aberya ang drivers licensing system (DLS) at ang Motor vehicle Inspection and Registration System (MVIRS) na importante para sa mga nag-aaplay ng lisensiya at nagpaparehistro ng sasakyan.

Lumilitaw na dehado ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagbibigay ng undue payments sa dayuhang contractor.

Hindi sulit ang bayad sa contractor sa ipinangakong kapalit na maayos na serbisyo para sa mamamayang Pilipino.

Kung hindi matutugunan ang problema ito at inaasahang lalo pang lulubha ang problema sa LTO na ngayon at napaulat na 1 million na ang backlog sa vehicle registration at tataas pa bilang nito na magpapalala sa masamang serbisyo sa publiko.
Ayon sa 2021 COA report , maraming isyu ang hindi nareresolba ang software na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng sasakyan at pagkuha ng Lisensiya.

Hindi pa rin lahat ng LTO sites ay nakakagamit ng bagong LTO system dahil sa hindi ito maayos ng banyagang IT contractor.
Isang halimbawa sa Quezon City licensing center na hindi tinanggap ng sistema ang mga aplikante na may edad 65 anyos pataas at hindi rin kaya ng sistema ang maraming transaksiyon.

Lumitaw na ang maraming kapalpakan sa ilalim ng nakaraang administrasyong Duterte laban sa dayuhang IT contractor pero tila nagbulag- bulagan ang mga dating opisyal ng LTO.

Sa bagong admnistrayong Marcos at inaasahang mareresolba na ang problema dahil ang LTO chief na si Assistant Secretary Teofilo Guadiz ay matagal ng nasa ahensiya at alam nya ang tunay na ugat ng problema.

Sa aking pananaw, base sa COA report, ang dayuhang IT contractor ang dahilan ng kapalpakan at problema sa LTO at kung mapapalayas ito ay maglalaho na rin ang problema sa LTO.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID