WebClick Tracer

METRO

Kolektor ng Maynilad nag-suicide

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang mensahero ng Maynilad matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa may Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay PLt.Dennis De Jesus, hepe ng Manila Police District – homicide section, nadiskubre ng ama ng ang pagpapakamatay ng 25-anyos na anak, alas-dos ng madaling araw sa ikatlong palapag ng kanilang bahay kung saan agad naman ipinagbigay-alam sa barangay at sa pulisya ang insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng sanhi ng pagpapakamatay ng nasabing water bill collector.

Dinala ang bangkay nito sa Cruz Funeral para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)