WebClick Tracer

METRO

Tinesting na chopper bumagsak, 3 damay

Patay ang isa habang sugatan ang dalawang iba pa matapos bumagsak ang isang helicopter na may 50 taon na ang tanda sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, Martes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, ang namatay at dalawang sugatan ay pawang mga mekaniko ng ginagawang helicopter na hindi pa nailalabas ang mga pagkakakilanlan.

Lumalabas sa ulat ng Pacific Spotter Company na kasalukuyang nagsasagawa ng technical repairs ang mga biktima sa Model MD369HS helicopter na ginawa noong pang 1973 nang bigla umano itong magkaroon ng problema sa himpapawid at tuluyang mag-crash alas-10:50 ng umaga kahapon.

Sa isang panayam naman kay Mabalacat City information officer Jay Pelayo, kasalukuyan umanong tini-test flight ng mga biktima ang helicopter ng maganap ang aksidente.

Samantala patuloy naman ang ginagawang masusing imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa kaso ng pagbagsak ng nasabing helicopter. (Edwin Balasa)