WebClick Tracer

SPORTS

Apinan inialpas Batangas kontra San Juan

Sinelyuhan ng driving layup ni Jeckster Apinan sa huling apat na segundo ang pag-eskapo ng Batangas City kontra San Juan Knights , 70-69, sa OkBet-Xtreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game nitong Martes ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Hinayaan na lang ng Embassy Chill na kumabyos ang buzzer-beating 3-point shot ni Judel Ric Fuentes para makubra ng mga Batangueño ang kambal na panalo at sementuhan ang liderato sa South Division sa 12-1 win-loss record.

Pero si Cedric Ablaza ang naging malaking tinik sa Go for Gold sa nilaklak na 24 points at 16 rebounds para sa Batangas. Bakasan sina Juneric Baloria ng 13 markers at Apinan ng 12 puntos.

Dehins umubra ang iniskor na 19 ni Judel Ric Fuentes at 11 ni Dexter Maiquez para sa Knights na sumubsob sa pagsalo sa pang-apat sa Valenzuela City MJAS Zenith sa 7-6 sa North Division sa single round elims ng 22-team men’s cagefest. (Annie Abad)