WebClick Tracer

METRO

Binatilyo nalunod sa Edsa

Bangkay na nang matagpuan ang nawawalang at nalunod na binatilyo sa malalim ng hukay sa isang construction site sa center island ng EDSA, Quezon City, Miyerkules ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Raniel Riano, 16, residente sa naturang lugar.

Sa pahayag ng ina ng biktima, apat na araw nang nawawala ang anak.

Nitong Miyerkules ng umaga ay napansin umano ang tsinelas ng biktima sa tabi ng hukay sa center island ng EDSA North Avenue.

Dito na nakita ang nangangamoy nang bangkay ng biktima. Alas-kuwatro ng hapon nang tuluyang maiahon ng Special Rescue Unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang bangkay ng biktima, matapos ang apat na ulit na pagtatangka.

Nagmistulang balon ang hukay bunsod ng mga pag-ulan. Ginawa rin umano itong paliguan

ng mga palaboy kaya natanggal ang net. (Dolly B. Cabreza)