WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Cristy Fermin ayaw maniwalang hindi ‘pineperahan ‘ ni Ion si Vice

Pinag-usapan ni Cristy Fermin at mga co-host niya sa “Showbiz Now Na” ang relasyong Vice Ganda at Ion Perez.

Sey ng veteran showbiz columnist, kahit paulit-ulit na sinasabi ni Ion na hindi pera ang dahilan ng pakikipagrelasyon niya kay Vice ay walang naniniwala rito.

“Nu’ng una pa man, kahit naman hanggang ngayon, ang katwiran ni Ion, ‘Ako po ay isang straight na lalaki na nagkataon lang na nagmahal sa isang beki. Hindi ko po pineperahan si Vice. Mahal na mahal ko po si Vice. Hindi po materyal na bagay o pera ang dahilan ng aming relasyon.’ Alam mo walang naniniwala talaga sa kanya ‘no?” ani Cristy.

“Naiisip ko nga, ano kaya ang kailangang gawin ni Ion Perez, magpakamatay para lang siya paniwalaan? Paano kung totoo pala na kapag binuksan pala natin ang puso niya, purong-puro, 100 porsiyento ang pagmamahal niya kay Vice?” dagdag niya. (Issa Santiago)