WebClick Tracer

NEWS

De Lemos binalasa NBI

Naglabas ng mga special order ang bagong National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo De Lemos para ipatupad ang major revamp sa mga pangunahing puwesto sa nasabing ahensiya na epektibo sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga apektado ng balasahan ang limang assistant director subalit hindi isinama ni De Lemos si dating NBI officer-in-charge Eric Distor.

Itinalaga si Assistant Director (AD) for Investigative Service Vicente De Guzman sa Comptroller Service. Ipinalit sa dating puwesto ni De Guzman si si AD Jose Doloiras. Itinalaga naman si Edwin Leuterio bilang AD for Human Resources, si Justo Yap na ang AD for Operations na may sakop sa lahat ng regional office. Pinalitan ni Yap si Antonio Pagatpat na siya nang AD for Administration ngayon.

Kasama rin sa binalasa ang mga division chief tulad ni Regional Director Janet Francisco na mula sa Anti-Human Trafficking ay inilipat sa Cordillera Administrative Regional Office habang si NBI spokesperson Ferdinand Lavin ay itinalaga bilang acting regional director ng MIMAROPA mula sa pagiging hepe ng Forensic Services.

Pinalitan si Lavin ni Dr. Rommel Papa bilang AD for Forensic and Scientific Research Service.

Na-promote naman si Vic Lorenzo bilang officer-in-charge ng Information and Communications Technology Service at si Rommel Vallejo bilang actiong regional director ng NBI-National Capital Region.

Bago pinuwesto sa bagong katungkulan ay sinibak si Lorenzo bilang hepe ng Cybercrime Investigation and Assessment Center dahil sa umano’y maanomalyang operasyon laban sa online offshore gaming o POGO company sa Malate, Maynila.

Una nang inatasan ni Justice Secretary Crispin Remulla si De Lemos na itigil ang pagsalakay sa mga POGO company dahil umano sa mga iregularidad at extortion activity. (Nancy Carvajal)