WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Derek, Ellen gagawa ng baby sa Tate

NI: Archie Liao

Ini-upload ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account ang passport photos” niya at ng anak niyang si Elias Modesto.

Pormal ang gayak ng mag-ina sa kanilang mga larawan.

Pansin din ng mga netizen na habang lumalaki si Elias ay gumaguwapo ito na hindi nalalayo sa kanyang amang si John Lloyd Cruz.

May ilan namang nakapansin na tila nagiging kamukha raw ito ng singer na si JK Labajo noong bata pa ito.

Pero tila hindi masaya si Ellen sa kanyang hitsura sa nakunang pic kaya naman aniya, kukuha na lang daw siya ng glam team next time para sa photo session nila ng kanyang dyunakis.

Caption niya: ““Next time kukuha na talaga ako ng glam team… di nako natuto, calling @mickeysee @santiagoraymond book kona kayo for my passport renewal and future visa photos “Thank you @prettylooksph for my always ready beautiful eyebrows “Products Used @blkcosmeticsph Cheek tint in Girls Night Out @lorealparis Lash Paraside Mascara @urbandecaycosmetics”.

Hirit tuloy ng mga chikadora, maga-abroad daw ang mag-ina para magbakasyon dahil sa pagkuha nila ng kanilang passport at future visa photo.

Pang-uurot naman ng ilan, hindi kaya magbabakasyon sina Derek at Ellen sa Tate at doon sila gagawa ng baby?
Sa isang panayam kasi, sinabi ni Derek na plano na nilang magka-baby ni Ellen sa susunod na taon.

Katunayan, gusto raw nila itong itaon sa 2023 na Year of the Water Dragon dahil pareho silang dragon ng kanyang misis.
Naniniwala kasi siyang mas magiging maalab ang kanilang pagsasama dahil sa fire element ng kanilang zodiac signs at suwerte sila sa taon ng mga Dragon.