WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Faith kinilig

NI: VINIA VIVAR

Aminado si Faith da Silva na marami na ang nabago sa kanyang career simula nang pumasok siya sa StarStruck Season 6 noong 2015. At ito raw ay dahil lahat sa GMA-7 na talagang nagbigay sa kanya ng mga oportunidad.

Sey nga niya sa isang panayam, “kinikilig ako when I think about it.”

Hindi nga raw niya akalaing magiging sunod-sunod ang blessings niya after StarStuck.

“Kasi when I joined StarStruck, I was still 15. I was still young and noong time na ‘yun ini-enjoy ko lang ‘yung mga nangyayari talaga. But of course, I was dreaming na to get to mga shows and to portray mga characters na pinapangarap ko talaga,” she said. “I never really thought na sa age ko na to darating ako sa point na masasabi ko na ‘yung pangarap ko nga,” sey pa niya.

Isa si Faith sa 25 Sparkle artists na pumirma sa Signed For Stardom contract signing event few months ago. Sobrang thankful ang aktres na nagtiwala ang GMA Network at Sparkle sa kanyang kakayahan hindi lang bilang isang aktres kungdi bilang singer na rin.