WebClick Tracer

SPORTS

Fortress patok

Markado si Fortress sa anim na kabayong sasalang sa Philracom (Philippine Racing Commission) Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, ngayong Huwebes.

Masisilayan ang husay nya paglarga ng Race 3 sa distansyang 1,300-meter. Mga posibleng magbigay ng maigting na laban kay Fortress na sasakyan ni jockey Lester De Jesus sina Major Ridge at Honey Ryder.

Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni Chairman Aurelio De Leon ay sina Solution, Avenue Shopper at Step Bell.

May P15K added prize ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5K pang ibubulsa ng winning horse owner. (Elech Dawa)