WebClick Tracer

SPORTS

Harden, Sixers sasabak agad

Mapapalaban agad ang pangungunahan nina James Harden at Joel Embiid na Philadelphia 76ers sa papasok na 77th o 2022-23 season ng National Basketball Association opening week.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic nitong Martes, kasama ang Philly sa dalawang matchup sa Oktubre 18 opening night – 76ers sa Boston, at Lakers sa Golden State.

Sunod ay uumpisahan naman aniya ng Sixers ang home games kontra Bucks.

Parehong contenders sa East ang Celtics at Milwaukee.

Buo ang core ng Eastern Conference champion Boston kina Jayson Tatum, Jaylen Brown at Marcus Smart. Sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton ang mga pamato ng Milwaukee.

Nang i-trade si Ben Simmons sa Brooklyn para makuha si Harden, pinamigay rin ng Sixers ang halos lahat ng support cast.
Nitong offseason, nag-rebuild ang Philadelphia mula free agency para palibutan ng role players sina Harden at Embiid.

Tinanggihan ni Harden ang kanyang $47M player option para sa 2022-23 season, pumirma ng one-year contract na mas mababa ng $14M.

Lumuwag ang cap ng Sixers, nakuha sina PJ Tucker at Danuel House mula free gency para isahog kina Harden at Embiid. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID