WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

LABOUM mabubuwag na

May balitang lumalabas ngayon na mukhang madi-disband na raw ang South Korean girl group na LABOUM.

Nag-debut ang five members group noong 2014 kaya kung totoo ang balita, after eight years ay mabubuwag na sila.

Nang mag-expire ang contract nila sa kanilang former agency, ang Global H, pumirma sila sa Interpark Music Plus. Pero kasabay rin ng pag-end ng contract ng LABOUM sa former agency nila, ang pinaka-leader ng grupo na si Yujeong ay hindi na rin nag-renew ng kontrata kaya from five members. Naging four members na lang ang LABOUM, consists of Soyeon, Jinyea (formerly known as ZN), Haein, and Solbin.

Naglabas naman ng statement ang agency sa balitang ito. Pero, wala pang malinaw na sagot kung totoo nga ang naglalabasan.

Ang totoo, wala pa raw talagang napagdedesisyonan.

“We saw the article about [LABOUM’s] disbandment, but absolutely nothing has been decided yet. When the matter has been resolved, we will make an announcement.”

Nalungkot naman ang mga fan ng LABOUM at nagsasabing sana raw, hindi ito matuloy.

Ilan sa mga comments, “They literally signed to a new company TOGETHER so they could continue promoting as a group. They better not disband them.”

“I really hope they don’t disband, I really like their music.”